Sunday, March 15, 2015

Pagtulong sa Bayan Gamit ang Kalayaan

Magbibigay ako ng pagkain sa mga tao pag mayroon akong maraming pagkain.

Tutulong ako sa kapwa sa pagsali sa mga gawain sa barangay o siyudad.

Halimbawa, pagpulot ng basura para maging malinis ang lugar.

Magtatanim ako ng mga halaman at puno para maging malinis ang hangin.

Sasabihin ko sa mga ibang tao na wag magaway.

 

(c) www.cleanupaustraliaday.org.au

Sunday, March 1, 2015

Martial Law sa Raya!

Nagkaroon ng Martial Law sa Raya. Nangyari ito ng dalawang araw.

Nasayahan ako ng kaunti. Pero mas nag-alala ako...

Nung Lunes, wala pang nagkukulong. Pero hindi kami pwede magbukas ng ilaw, ng aircon, at iba pa. Mahirap ang mga batas na binigay!!!

Nung Martes, nagkukulong na sila! Nakulong ako kasi ngumiti ako. Bawal kaming lumabas sa silid, pero may isang paraan na makakalabas ka. Gagawa ka ng maraming push-ups! Napagod at naghihingal ako.

Pwede kami kumain sa cubicle pero bawal maglaro.

Monday, February 16, 2015

Ang Ating Mundo

Opo, kasi ito ang gawa ng Diyos. Kasi pag walang mundo, wala kaming buhay. Kasi pag wala, wala tayong pagkain. Kasi importante ang mundo namin. Makikita namin ang maganda na buhay.


Ang Ginawa Ko Sa Huwebes

        

           Hindi ako pinasama sa lakbay-aral sa GK Enchanted Farm dahil ito ay malayo. Hindi ako pwede sumama sa mga lakbay-aral na malayo. Nagpunta kami sa FisherMall. Naglaro kami ni Daddy sa Playland sa FisherMall. Kumain din kami sa Jollibee. Ito ang pinakaunang beses na kumain ako ng Glazed Chicken ng Jollibee! Naging paborito ko na.
Bumili din kami sa grocery. Ang binili namin ay mga pagkain. Pagkatapos namin bumili, sinundo namin  si Ate Rian sa Angelicum.

Thursday, February 12, 2015

Sa Manila

Sa lakbay-aral noong Biyernes, nagpunta kami sa Rizal Park. Sa Rizal Park, may playground at may malaking statue. Tapos nag punta kami sa San Agustin Church, sa loob ang ganda pero sa labas, parang luma. Tapos nagpunta kami sa Fort Santiago na merong Rizal Shrine. Tapos nagpunta kami sa MMDA Safety Park. Ito ay nagtuturo sa mga bata kung paano maging ligtas. At nagpunta rin kami sa Manila Zoo. Ang baho sa loob. Yan lang ang mga lugar na pinuntahan namin sa Manila.

Thursday, January 15, 2015

Ako Si Raine.





               
                                   


    Ako si RAINE JARVIS, walong taong gulang. Tinatawag akong Ninja Warrior Raine ng aking mga magulang dahil hilig kong gayahin ang mga nasa palabas na Ninja Warrior. Gustong-gusto kong maglaro ng patalun-talon at sumabit sa monkey bars. May kapatid ako. Siya si Ate Rian. Dati rin siyang nag-aral sa Raya. Meron akong aso, si LUCIA. Ang lahi niya ay American bully. Kulay gray o abo siya. Paborito ko ang BINATOG, lalo na kapag nilagyan ng asukal. Walang binatog na mabibili sa aming village. Sana magluto ang Mama ko ng binatog. 
    Gustong-gusto kong pumunta sa MANILA OCEAN PARK at THE MIND MUSEUM, pati na sa bansang HONGKONG, MALAYSIA and AMERICA. Nakapunta na ako sa Manila Ocean Park, Mind Museum, at Hongkong Disneyland pero gusto ko pang pumunta ulit. Sabi ng mga magulang ko pupunta kami ulit kapag marami silang pera.
                                                            

Hindi ito sa Hongkong! Sa Ilocos ito.



    Hanggang sa susunod kong blog!