Monday, February 16, 2015

Ang Ginawa Ko Sa Huwebes

        

           Hindi ako pinasama sa lakbay-aral sa GK Enchanted Farm dahil ito ay malayo. Hindi ako pwede sumama sa mga lakbay-aral na malayo. Nagpunta kami sa FisherMall. Naglaro kami ni Daddy sa Playland sa FisherMall. Kumain din kami sa Jollibee. Ito ang pinakaunang beses na kumain ako ng Glazed Chicken ng Jollibee! Naging paborito ko na.
Bumili din kami sa grocery. Ang binili namin ay mga pagkain. Pagkatapos namin bumili, sinundo namin  si Ate Rian sa Angelicum.

1 comment:

  1. Ang galing mong endorser, Raine! Parang gusto ko nang pumunta sa pinakamalapit na Jollibee at kumain ng Glazed Chicken! :)

    ReplyDelete