Opo, kasi ito ang gawa ng Diyos. Kasi pag walang mundo, wala kaming buhay. Kasi pag wala, wala tayong pagkain. Kasi importante ang mundo namin. Makikita namin ang maganda na buhay.
Monday, February 16, 2015
Ang Ginawa Ko Sa Huwebes
Hindi ako pinasama sa lakbay-aral sa GK Enchanted Farm dahil ito ay malayo. Hindi ako pwede sumama sa mga lakbay-aral na malayo. Nagpunta kami sa FisherMall. Naglaro kami ni Daddy sa Playland sa FisherMall. Kumain din kami sa Jollibee. Ito ang pinakaunang beses na kumain ako ng Glazed Chicken ng Jollibee! Naging paborito ko na.
Bumili din kami sa grocery. Ang binili namin ay mga pagkain. Pagkatapos namin bumili, sinundo namin si Ate Rian sa Angelicum.
Thursday, February 12, 2015
Sa Manila
Sa lakbay-aral noong Biyernes, nagpunta kami sa Rizal Park. Sa Rizal Park, may playground at may malaking statue. Tapos nag punta kami sa San Agustin Church, sa loob ang ganda pero sa labas, parang luma. Tapos nagpunta kami sa Fort Santiago na merong Rizal Shrine. Tapos nagpunta kami sa MMDA Safety Park. Ito ay nagtuturo sa mga bata kung paano maging ligtas. At nagpunta rin kami sa Manila Zoo. Ang baho sa loob. Yan lang ang mga lugar na pinuntahan namin sa Manila.
Subscribe to:
Posts (Atom)